Nagbigay  ng mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para kay Vice President Sara Duterte na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngayong Biyernes, Mayo 31.

Sa isang Facebook post, inihayag ni Marcos ang kaniyang pagbati para sa ika-46 na kaarawan ng bise presidente.

Ayon sa pangulo, pinalalakas ni Duterte ang kabataan at kaguruan dahil sa kaniya raw sipag bilang kalihim din ng Department of Education (DepEd).

“Happy Birthday, Inday Sara! Pinalalakas ng ‘yong sipag at pagmamahal sa bayan ang ating mga kabataan at kaguruan,” ani Marcos.

National

PCO kay VP Sara: ‘Dalangin namin ang iyong mabuting kalusugan, tagumpay’

“Ipagpatuloy lang natin ito para sa isang matatag na edukasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas!” saad pa niya.

Matatandaang sina Marcos at Duterte ang running mates noong 2022 national elections sa ilalim ng “UniTeam,” kung saan sila ang nagwagi sa dalawang pinakamataas na posisyon.

Kaugnay na Balita: