Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Cagayan nitong Biyernes ng gabi, Mayo 31, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:11 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Babuyan Island sa Calayan, Cagayan, na may lalim na 17 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.