Naloka ang fans, manonood, at netizens sa "maiinit" na eksena nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa patok na "What's Wrong With Secretary Kim" na Pinoy adaptation ng South Korean drama na pinagbidahan nina Park Seo-joon at Park Min-young na may katulad na pamagat.

Ibinahagi sa fan-based page na "Kapamilya Online World" ang ilan sa screenshots mula sa mga eksena ng "KimPau," tawag sa tambalan ng dalawa na nagsimula pa sa patok na seryeng "Linlang."

"KIMPAU MUKBANG WITH HIGOP! 😭🔥😅🥰🥰🥰" mababasa sa caption ng Instagram post.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Sabi pa sa isa pang Instagram post, "The new King and Queen of mukbang 👑 🔥🔥🔥."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ano na ba to? How to mukbang with secretary Kim?"

"ang hot ni Paulo!😭😭 Kimmy nakakarami ka na ako naman. hahaha"

"Higop na higop parang Wala ng bukas apaka hot ng KimPau lumagablab ngaapoy grabe"

"Hoyyyyy grabi ang init ng panahon dito sa amin dadagdagan pa nito jusmiyo parang nasa oven na ako 🤣🤣"

"Ito po kasi ang direction na pinagawa ng Director nila and based din ‘to sa original na k-drama. Nasanay lang kasi ang iba na si Kim eh pa-sweet, she has to re-invent herself and part talaga ng growth yan as a good and versatile actor!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang KimPau tungkol dito.