Nagbabala si dating Vice President Leni Robredo hinggil sa isang Facebook account na nagpapanggap daw bilang siya at nagbibigay ng mensahe sa iba’t ibang indibidwal.

“Been alerted by a new account posing as mine,” ani Robredo sa isang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 30.

“I don't have a new facebook account. Please don’t accept. Profile picture used is the same as my real account,” dagdag niya.

Makikita sa larawang kalakip ng post ni Robredo ang screenshot ng isang palitan ng mensahe sa Messenger kung saan nangungumusta ang tinutukoy niyang Facebook account sa isang indibidwal.

National

Trust, approval rating ni PBBM, tumaas; bumaba naman kay VP Sara -- Tangere

Ayon sa dating bise presidente, hindi siya gumagamit ng Messenger.

“Please don’t respond to messages allegedly coming from me,” saad ni Robredo.