Usap-usapan ang pagbabalikan ng couple influencers na sina Anthony Leodenes at Jamie Bautista matapos nilang i-anunsyo ang kanilang paghihiwalay noong Pebrero lamang.

Matapos ang ilang mga pagsubok sa kanilang relasyon, nilinaw ni Jamie na “mutual decision” ang kanilang paghihiwalay at hindi dahil sa third party.

“Anthony, We’ve been together for 9 years at ayun yung mga pinaka masayang taon ng buhay ko. We were 16 and 18 nung nagkakilala tayo, 18 ka naman at 20 ako nung mapagdesisyunan natin na magpakasal.”

“Sobrang bilis at wala tayong pakialam kung ano yung mangyayare satin, basta ang alam lang natin mahal na mahal natin ang isa’t isa at gusto na natin laging magkasama dahil LDR din tayo non.. Kaya kahit ayaw pa pumayag ng mga magulang natin inilaban natin pareho.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Mag kasama tayo sa saya, sa lungkot, sa hirap, at sa ngayong guminhawa kahit papaano yung buhay natin. Marami tayong pagsubok na pinagdaanan, marami tayong inilaban, marami tayong natutunan sa bawat isa, marami tayong natutunan sa buhay.. At isa na don yung hindi pala pwede na puro mahal lang natin yung isa’t isa kailangan pala nagg-grow din tayo pareho. Ang daming nangyare be.. akala ko kaya ko parin ipaglaban kahit anong pangit ang mangyare sa relasyon natin, akala ko kaya ko..”

“Sinubukan ko naman diba? Sinubukan naman natin? pero di ko na namamalayan na unti unti na rin pala akong nauubos, unti unti tayong nauubos.. Parang unti unti hindi ko na nakikilala yung sarili ko, aminado ako na nag-iba yung pakikitungo ko sayo, nag-iba yung ugali ko sayo at alam kong nasasaktan narin kita. Dahil sa nangyari in the past, aminado akong nabawasan talaga yung pagmamahal ko sayo, hindi na kita kayang mahalin kung paano kita dapat mahalin at alam kong ang unfair non dahil nakikita ko kung paano ka bumawi sakin at paano mo pagsisihan yon.. Siguro kailangan ko muna rin talaga magheal pong, kelangan ko din ayusin yung sarili ko para na rin sa ikakabuti ng bawat isa.. Gusto ko lang din sabihin na mag-ingat ka palagi, wag mo pababayaan yung sarili mo.”

“Gusto ko lang din iclarify. yung sa mga gumagawa po ng fake news, there’s no third party involved. Maayos po naming napag-usapan ito at parehas po naming napagdesisyunan ito.”

“Thank you sa lahat ng memories,” aniya sa kaniyang Facebook post noong Pebrero 27.

Batay sa latest Facebook post ni Leodenes nitong Mayo 29 ay mukhang "back in each other's arms" na ulit sila matapos maayos ang ilang mga gusot sa kanilang pagsasama.

"This time mas maayos na," mababasa sa caption ni Leodenes kalakip ang mga larawan nila ni Bautista. "Salamat bumalik ka [heart emoji]."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Im so happy na ok na ulet kayo.naway maging centro nang panibagong simula si Lord sa buhay mag asawa nyo..i pray na sa pag sisimula nyo ulet ay mabiyayaan na kayo ng baby..Godbless you both.."

"Ganyan tlaga ang relasyon, dumadaan sa ganyn hiwalayan balikan lalo kung sobrang tagal nyo na pero sana di mo na sayangin yung 2nd chance na binigay sayo. Mahirap na kse kapag nasira pa ulit."

"Forda content lang yata?"

"Nice. Mainam at pinili nyo pa din ang isa't isa. Sana nahanap nyo talaga yung growth na hinahanap nyo."

"Eh 'di wow hehe."

MAKI-BALITA: ‘This time mas maayos na!’ Anthony Leodenes, Jamie Bautista bebe na ulit

Samantala, kung marami ang masaya para sa kanila, marami rin ang nambuska at nanlibak na baka "forda content" lang daw ang kanilang hiwalayan. Sa panahon daw kasi ngayon, lahat ng "gimik" ay pinapasok at ginagawa ng content creators at social media personalities para mapansin ng netizens, at para humakot ng views na mag-aakyat sa kanila ng kita.

Winalis naman ni Anthony ang mga negatibong komento ng netizens at cool na sinabing isipin na nila kung ano ang isipin, basta't ang mahalaga, nagkabalikan na sila ni Jamie.

Photo courtesy: Anthony Leodones (FB)

"Go lang guys sabihin niyo gusto niyo sabihin hahaha basta kami masaya kami.. may maayos na buhay, pamilya at mga kaibigan. Piliin niyo maging masaya guys hahahaha ❤️"

"God bless ❤️," aniya.