Usap-usapan ang simple ngunit makahulugang Facebook post ng social media personality na si Crissa Liaging o kilala rin bilang si "Habibi" matapos ang paglabas ng pahayag ni Andi Eigenmann, kaugnay ng kumalat at minalisya nilang video ng partner na si Philmar Alipayo.

Makikita sa TikTok video ni Habibi na habang magkausap sila ni Philmar ay topless ito at itinataas-taas pa ang braso. May bahagi pang halos ilapit na ni Philmar ang mukha niya kay Crissa.

Hindi rin nakaligtas sa mga mata ng netizen ang paghawak ni Philmar sa braso ng TikTok content creator-entrepreneur.

Binura ni Crissa ang original na uploaded TikTok video matapos putaktihin ng pang-iintriga mula sa mga netizen kahit umabot na ito sa milyong views.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero nang i-reupload na niya ito, may isinama na siyang komento ng isang netizen na isa sa mga nang-intriga.

"bakit dinelete yung video with Philmar?" mababasa sa komento ng netizen, na ginawang text caption ni Crissa.

May background music ito ng kantang "Weak" ng American R&B vocal trio SWV.

Sa isa pang TikTok post, sinabi ni Crissa na huwag daw bigyan ng malisya ang pag-uusap nila ni Philmar, dahil wala pa raw siya sa kalingkingan ng ganda ni Andi.

"Ayaw ninyo butangi ug issue ang pag storya namong philmar wala rata ka kumingking sa ka gwapa ni andi! 🙃," aniya.

Pinagsabihan ng mga netizen si Crissa na dumistansya siya sa pakikipag-usap kay Philmar nang ganoon kalapit sa isa't isa lalo't may mga anak sila ni Andi.

MAKI-BALITA: Babaeng kausap ni Philmar Alipayo sa minalisyang ‘viral video,’ nagsalita na

Kaya ang tanong ngayon ng mga netizen ay kung okay pa ba sina Andi at Philmar?

Finally, sa pamamagitan ng Instagram story ay nagsalita na si Andi kaugnay nito.

Aniya, "He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that," mababasa sa pahayag ni Andi.

"What's shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention," dagdag pa.

MAKI-BALITA: Andi nagsalita na sa viral video ni Philmar

Kaya naman, sa kaniyang social media post ay sinabi ni Crissa na hindi niya nilalandi si Philmar.

Ibinahagi rin niya ang isang Facebook post ng concerned netizen na dumepensa sa kaniya.

Mababasa rito, "Speak nako with this issue, i save this photo sa nag nag viral na post atong babae nga naa during ato na time. The photo is not mine. just to clear not to defend,crissa is trying to exit during that time pero naay ga pa picture sa ilaha, judging by just reading the first page of the book, They know each other and walay someting sailang pag bonding we just want to enjoy not to biga2😂 kana nlang sad daw uwag uwagan niya na gipangita sad raba namo c miss andi that time. Dili na sala sakong amo kung ingon ana ka clingy si philmar saiya😂 Go lang bash lang."

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Crissa na tao lamang siya at nagkakamali.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Philmar kaugnay nito.