Tinanong ni showbiz insider Ogie Diaz ang basketball player na si James Yap tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng relasyon niya sa asawang si Michela Cazzola.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Mayo 28, inispluk ni Ogie ang nakarating umano sa kaniyang tsika tungkol kay James at Michela.

“May nakarating lang naman sa akin. Ewan ko kung nabalita na rin ito. At itatanong na rin natin kay James Yap para lang sure [...] Gaano ba katotoo James Yap na wala na kayo ng iyong Italian wife?” saad ni Ogie.

“Kung totoo man ito, nakakalungkot ‘yan. Pero syempre, ang sabi naman sa akin ng aking nakausap—kung totoo man ito—maganda naman daw ang relasyon nitong si James Yap sa kaniyang ex-Italian wife. Kumbaga maganda ‘yong kanilang co-parenting,” wika niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Segunda naman ng co-host niyang si Mama Loi: “‘Yon naman ang importante. ‘Pag ‘di nag-work ‘yong relationship ng mag-asawa, basta ‘yong mga anak ‘wag idadamay.”

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag si James para kumpirmahin o pabulaanan ang mga sinabi ni Ogie.