Tila iniidolo ng talent manager na si Annabelle Rama ang Kapamilya actress na si Maris Racal.

Sa isang Instagram story kasi ng anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez nitong Martes, Mayo 28, ibinahagi niya ang convo nilang mag-ina.

Makikita sa naturang convo kung paano siya inutusan ni Annabelle na magpadala ng larawan ni Maris dahil nagustuhan daw nito ang buhok ng aktres.

“Conversation I had with @annabelleramaig earlier 😅,” saad niya sa text caption.

Relasyon at Hiwalayan

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?

Photo Courtesy: Ruffa Gutierrez (IG)

Samantala, mapapanood naman sa kasunod na story ay ibinahagi ni Ruffa ang finish product ng buhok ni Annabelle matapos magpa-bangs.

Photo Courtesy: Ruffa Gutierrez (IG)

Kinumpirma rin ni Annabelle sa naturang video na talagang hiningi niya sa anak ang picture ni Maris.

Tinanong kasi siya ni Ruffa: “Hi, mom. Who's picture did you ask for kanina?” 

“Maris Racal,” sabi ni Annabelle sabay tawa.