Naintriga ang mga netizen sa cryptic post ni Atty. Vince Tañada sa kaniyang Facebook MyDay sa gitna ng mainit na kontrobersiya sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) nitong Lunes, Mayo 27.

Matatandaang nagsimula ang isyung ito matapos magsalita ni Fernando de la Pena, anak ng batikang aktres na si Eva Darren na binastos umano sa naturang gabi ng parangal.

MAKI-BALITA: Batikang aktres na si Eva Darren, ‘binastos’ sa FAMAS?

Bagama’t burado na at hindi na makikita pa sa Facebook account ni Tañada, nagawa namang i-screenshot ng Goldwin Reviews ang naturang myday.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ani Tañada, na isa sa mga nasa likod ng FAMAS Awards: “Haters gonna hate. Regardless of what you do. So just move on and live your life to the fullest.”

Gayunpaman, naglabas na ng apology statement ang FAMAS at ipinaliwanag sa publiko ang kanilang panig kaugnay sa nangyari.

MAKI-BALITA: FAMAS, nag-sorry kay Eva Darren

Samantala, tila hindi naman kumbinsido sa paliwanag na ito ang isa ring batikang aktres na si Divina Valencia na aniya’y isa raw malaking katarantaduhan.

MAKI-BALITA: Divina Valencia, ‘di matanggap ang paliwanag ng FAMAS kay Eva Darren

Photo Courtesy: Goldwin Reviews (FB)