Inamin ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo na muntik na siyang sumuko sa naturang prestigious beauty pageant sa bansa.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Mayo 27, sinabi ni Chelsea ang dahilan kung bakit dumating sa punto na tila naubos siya.

“We have to face it, Tito Boy, medyo matagal ‘yong competition this time. Inabot siya ng four months. I came in here as an independent,” lahad ni Chelsea.

“Wala akong resources. I didn’t have much financial. So, dadating talaga sa point na mauubos ka. And I was almost there to quit,” wika niya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ayon kay Chelsea, magastos daw kasi talaga ang pagsabak sa Miss Universe Philippines lalo na sa gaya niya na mula pa sa Bulacan.

“‘Yong transportation, the dress, the makeup, everything you to provide it on your own,” saad pa niya.

Gayunman, sa kabila ng kakapusan, may glam team si Chelsea kaya malaki ang pasasalamat niya sa mga ito pati sa mga magulang niya na sumuporta sa kaniya.

Matatandaang matapos tanghalin bilang Miss Universe 2024 ay sa coronation night ng pageant ay itinuring siyang “dark horse” dahil marami ang nasorpresa na siya ang nag-uwi ng korona.

MAKI-BALITA: Bakit ‘dark horse’ ang bagong Miss Universe PH 2024 na si Chelsea Manalo?