Inamin ni singer-songwriter Ogie Alcasid na araw-araw nilang pinag-uusapan ng asawa niyang si “Asia’s Songbird” Regine Velasquez ang posibilidad na mawala sa panahon ang kanilang boses.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Ogie na marami raw silang nakukuhang realization tungkol sa naturang bagay.

“Una, minsan kasi nahuhuli ko siya pinapanood niya ‘yong mga video niya noong bata pa siya, sasabihin niya sa akin: ‘Tingnan mo, o. Taas ng boses ko. Galing ko no’n, ‘no?’ kuwento ni Ogie.

“Sasabihin ko, hindi. Magaling ka pa rin hanggang ngayon. Iba lang ang estilo mo ngayon. Mas may puso ka nang kumanta,” wika niya.

Pelikula

Vice Ganda, sumawsaw sa iringan ni Carlos Yulo at pamilya?

Dagdag pa ni Ogie: “Tapos sasabihin namin: ‘ang dami nang bago, ‘no? Ang dami nang magaling. Ang dami nang bata. Wala na siguro tayo.’ Sabi ko, ano ka ba? Oo, pero hindi naman wala. Nandito pa rin tayo.”

Likas daw kasi talaga na may mga bagong darating at magsusulputan sa isang larangan gaya sa musika Pero ang mahalaga raw, alam nilang dalawa kung saan lulugar at higit sa lahat, nakukuha nila ang respeto ng mga batang singer.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay ibinahagi ni Ogie ang ginagawa niyang sa maling tono ni Regine kapag siya ang nagsisilbi nitong technician.

MAKI-BALITA: ‘Kilala mo kausap mo?’ Ogie, sinisita si Regine ‘pag wala sa tono