May katapat na nga ba ang "Diwata PARES Overload" ng sikat na social media personality na si Deo Balbuena o mas kilala sa tawag na "Diwata?"

Naitampok na sa programming "My Puhunan: Kaya Mo!" nina Migs Bustos at Karen Davila, usap-usapan ang pares overload ni Sixteen Ablero o mas kilala sa tawag na "Hiwaga."

Bukod sa programang ito ng ABS-CBN ay naitampok na rin siya sa "Unang Hirit" ng GMA Network.

Ang pangalan ng kaniyang paresan? Hiwaga PARES Overload.

Usapang Negosyo

CEO, na-depress matapos i-report sa FDA produkto nila

Nagsimula bilang pares eatery ay unti-unti na ring nakikilala ang kaniyang paresan, hindi lamang sa masasarap na pagkain dito, kundi maging sa kaniyang kuwelang mga hirit at paraan ng pag-eestima sa kaniyang mga customer.

Ilang netizens naman ang tila hindi maiwasang ikumpara si Hiwaga kay Diwata. May ilang nagsasabing mas presentable daw si Hiwaga dahil lagi itong nakaayos, at hindi "nagsusungit" sa mga customer at gustong magpa-picture sa kaniya.

[embed]

[embed]

[embed]

Dinarayo na rin ang kaniyang paresan ng mga celebrity gaya na lamang ni Arnel Ignacio.

May mga nagsasabi pang mas nakabibilib ang journey ni Diwata, ngunit mas nakabibilib ang kababaang-loob ni Hiwaga.