Isang magnitude 4.4 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng madaling araw, Mayo 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:20 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 146 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 49 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Tony Yang, hindi raw 'very close' kay ex-Pres. Duterte

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.