Biniro ni "It's Showtime" host Vice Ganda si Kapuso Star Alden Richards sa kinaaliwang paraan ng hosting nito sa naganap na Miss Universe Philippines 2024 coronation night nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 22.

Nabanggit kasi ni Vice na parang natatakot daw siya sa searcher na si Shane sa segment na "EXpecially For You" dahil sa pagkakasabi nito ng "Bakit?" sa searchee na si Eric na nagbato ng pick-up line sa kaniya.

Napansin naman ni Kim na natatawa ang ex-boyfriend nitong si Makmak. Parang "siga" raw kasi ang ex-jowa niya.

"Parang 'pag boyfriend ka niya, tapos natahimik ka. Sasabihin mo, 'Anong problema?'" ani Vice at kunwari ay kausap si Jhong.

Events

Willie, todo-invite na sa Wil To Win: 'Kayo ang panalo dito!'

"Tapos sasabihin mo, 'Wala!' 'Ano ngaaaaa??? Meron!'"

Hirit pa ni Vice, "Parang si Alden sa MUPH kahapon. BULACAN! CEBU! Galit si Alden kahapon 'di ba. QUEZON PROVINCE!"

"Hi Alden!" bati naman ni Vice sa aktor.

Matatandaang isa sa mga trending topic sa nagdaang coronation night ang tila pasigaw at galit daw na pagtawag ni Alden sa kinakatawang lugar ng mga kandidata na pasok sa top.

MAKI-BALITA: ‘Live show eh!’ Mga agaw-eksena at ‘bloopers’ sa coronation night ng MUPH 2024

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Alden patungkol dito.