Kinuyog ng batikos at masasakit na salita ng mga netizen si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi matapos itong magkomento sa naging resulta ng Miss Universe Philippines 2024 coronation night na ginanap nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 22, sa SM Mall of Asia Arena.

Ang pambato ng Bulacan na si Chelsea Anne Manalo ang siyang itinanghal na bagong Miss Universe Philippines. Ipinasa sa kaniya ang korona ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee.

Nagulat ang mga netizen sa X post ni Celeste na naka-all caps pa. Aniya, "WHAT JUST HAPPENED?"

May hashtag itong #muph2024 kaya masasabing sa resulta ng pageant na dating sinalihan ang kaniyang pinatutungkulan.

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Pagkatapos, sa isa pang X post, dito na niya vocal na sinabing ang pambato ng Taguig na si Christi McGarry ang bet niya, na nag-landing bilang 4th runner up.

"Ang ganda ganda ni Christi tas perfect yung answer nya !!!!! 😣😣😣" aniya.

Sa comment section naman ay tila kinuyog si Celeste ng mga netizen. Anila, coming from her na "sinira" ang 12 year winning streak ng mga Pilipinang kandidata sa MUPH, hindi na raw siya dapat nagsasalita pa nang ganoon.

Isa pa raw, ganoon din daw ang naisip nila nang siya ang manalo sa kaniyang panahon. Marami rin daw ang kumuwestyon sa naging resulta.

"koww nagsalita ang unplaced."

"Former queen ka pa naman tapos this is how you handle your platform. Manahimik ka nalang sana beh. Be more like cat and pia who know how to be professional with their posts. Wrong na wrong."

"That’s our question when you stopped the 12 year winning streak of Ph."

"te, kapag sinira ang 13 years of placement streak at unplaced sa international pageant, walang K tumalak at mag bigay ng opinyon. Hindi ka nga nakakuha ng placement nung time mo, tapos ki-questionin mo ang desisyon ng org. pwe."

"Girl that's what people said when you won. Be kind!"

"Just like when they crowned you when everyone expecting it was Pauline! 😭😭😭"

"Exactly the same happened when you won MUPH. Dejavu!!!"

"Lol, coming from the worst Miss Universe Philippines candidate. Stay in your place, Celeste. Remember that you were the one who cut the streak and started the dark days of MUPH. Lol."

In fairness, hindi naman lahat ay galit kay Celeste. Marami rin ang nagtanggol sa kaniya.

"She is entitled to root for her bets and go through the emotions of ordinary viewers without people being mean you know."

"Di deserving yung nanalo. She should not be in the top 5 kung tutuusin. Kaloka."

"Same reaction, I even thought she won't penetrate the top 5 tas siya pa talaga nanalo. Ang lala HAHAHAHAHA mas deserve ni Zambales or Bacoor sa top 5 kesa sa Bulacan. Sorry not sorry."

"Finally someone brave to say it!!! 👏👏👏"

"Hindi ko nakikitang mananalo si Bulacan sa Miss Universe 2024 😭"

Agad din namang sumagot si Celeste na nasa Bali, Indonesia na raw.

“Ya’ll need to chill. Haha. What I meant by what happened is how the other crowns were distributed. Where’s Cainta? where’s Taguig? Stop trying to make an issue, I have my bets but I fully support who ever wins,” aniya.

MAKI-BALITA: Celeste Cortesi sa resulta ng MUPH 2024: ‘What just happened?’