Usap-usapan ng mga netizen ang naging X post ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa resulta ng Miss Universe Philippines 2024 coronation night.

Pagkatapos kasing maanunsyo ang mga nagwagi at nagkaroon ng titulo sa pangunguna ni Miss Bulacan Chelsea Anne Manalo, nag-tweet si Celeste ng "WHAT JUST HAPPENED" na talagang naka-all caps pa.

Photo courtesy: Celeste Cortesi (X)

May hashtag itong #muph2024 kaya masasabing sa resulta ng pageant na dating sinalihan ang kaniyang pinatutungkulan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pagkatapos, sa isa pang X post, dito na niya vocal na sinabing ang pambato ng Taguig na si Christi McGarry ang bet niya, na nag-landing bilang 4th runner up.

"Ang ganda ganda ni Christi tas perfect yung answer nya !!!!! 😣😣😣" aniya.

Photo courtesy: Celeste Cortesi (X)

Sa comment section naman ay tila kinuyog si Celeste ng mga netizen.

"te, kapag sinira ang 13 years of placement streak at unplaced sa international pageant, walang K tumalak at mag bigay ng opinyon. Hindi ka nga nakakuha ng placement nung time mo, tapos ki-questionin mo ang desisyon ng org. pwe."

"Girl that's what people said when you won. Be kind!"

"Just like when they crowned you when everyone expecting it was Pauline! 😭😭😭"

"Exactly the same happened when you won MUPH. Dejavu!!!"

"Lol, coming from the worst Miss Universe Philippines candidate. Stay in your place, Celeste. Remember that you were the one who cut the streak and started the dark days of MUPH. Lol."

Samantala, marami rin naman ang nagtanggol kay Celeste.

"She is entitled to root for her bets and go through the emotions of ordinary viewers without people being mean you know."

"Di deserving yung nanalo. She should not be in the top 5 kung tutuusin. Kaloka."

"Same reaction, I even thought she won't penetrate the top 5 tas siya pa talaga nanalo. Ang lala HAHAHAHAHA mas deserve ni Zambales or Bacoor sa top 5 kesa sa Bulacan. Sorry not sorry."

"Finally someone brave to say it!!! 👏👏👏"

"Hindi ko nakikitang mananalo si Bulacan sa Miss Universe 2024 😭"

Matapos ulanin ng batikos, ipinaliwanag ni Cortesi ang kaniyang X post.

"Ya’ll need to chill. Haha. What I meant by what happened is how the other crowns were distributed. Where’s Cainta? where’s Taguig? Stop trying to make an issue, I have my bets but I fully support who ever wins," aniya.

Photo courtesy: Celeste Cortesi (X)

"Now, woke up in Bali. Peace out everyoneeee 🫰🏼😂" aniya pa.

MediaPhoto courtesy: Celeste Cortesi (X)

Ang nanalong Miss Universe Philippines 2024 ay si Chelsea Anne Manalo, pambato ng Bulacan, na isang professional model at sumasali na rin sa beauty pageants.

MAKI-BALITA: Bakit ‘dark horse’ ang bagong Miss Universe PH 2024 na si Chelsea Manalo?