Dadalo bilang guest ang Kapamilya star na si Daniel Padilla sa gaganaping “Pagkakaisa” concert ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Davao.

Sa Instagram story na ina ni Daniel na si Karla Estrada nitong Martes, Mayo 21, ibinahagi niya ang art card kung saan naroon ang larawan ng anak at ang ilang detalye kaugnay sa concert.

“This is it! See you in Davao del Norte, June 7!” saad ni Karla sa text caption ng naturang story.

Photo Courtesy: Karla Estrada (IG)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay isa sa pinakamalaking caravan sa bansa na inilunsad ng administrasyong Marcos upang makapagbigay ng serbisyo sa mga mahihirap na Pilipino sa iba’t ibang komunidad sa Pilipinas.

Matatandaan na isang certified Kakampink si Daniel noong nakaraang Halalan 2022 batay sa kumalat na larawan niya kasama ang direktor na si Mandy Reyes habang naka-posing sa isang sasakyan na may poster ng noo’y presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

MAKI-BALITA: Anak na si Daniel; certified Kakampink; anong sey ni Momshie Karla?

Gayunpaman, bagama’t si Karla ay lantarang nagpakita ng suporta sa katunggaling kandidato ng sinuportahan ng anak niya na sina Ferdinand Marcos, Jr. at Sara Duterte, sinabi naman niya na iginagalang sa kanilang tahanan ang pagkakaiba-iba ng kanilang mga pananaw lalo na sa politika. 

MAKI-BALITA: Karla Estrada: ‘Wala kaming issue sa pamilya kung sino ang gusto naming suportahan’