Ibinahagi ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda kung aling showbiz breakup ang nakapagpagulat sa kaniya nang kapanayamin siya ng TV host-actor na si Luis Manzano.

Sa latest episode ng Luis Listens nitong Martes, Mayo 21, sinabi ni Boy na ang unang pumasok daw sa isip niya ay ang hiwalayan nina Kapamilya stars Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“The first, again, couple that comes to mind is Daniel and Kathryn. I was shocked. Oo, because during Covid, I did an interview with Daniel. […] Hindi ako ready do’n. I was shocked. 11 years together, and I’m a fan,” pahayag ni Boy.

“In that interview, Luis, tinanong ko si Daniel: what is worse than betrayal? I remember the question. What is worse than betrayal? Ang ganda-ganda ng sagot, ‘yon ang takeaway ko do’n sa pag-uusap na ‘yon. Sabi niya, ‘being forgiven,’” pagbabahagi niya.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Dagdag pa niya: “Totoo ‘yon. ‘Yong to be forgiven na parang ‘wow, naintindihan ako, napatawad ako, pagkatapos ng kasalanan ko.’ I realized that. It triggered a long conversation I had with Bong [Quintana]. Sabi ko: oo ‘no, come to think about it. So, having come from that interview, akala ko, it was going to go smooth. Hindi pala. It was a misread.”

Matatandaang kinumpirma nina Daniel at Kathryn ang kanilang breakup noong Nobyembre 2023 sa pamamagitan ng kani-kanilang social media post.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn