Naghayag ng pagkatuwa ang showbiz insider na si Ogie Diaz para kay “It’s Showtime” Anne Curtis sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Mayo 20.

Sa isang bahagi ng naturang showbiz-oriented vlog ay sinabi ni Ogie ang dahilan kung bakit umano siya natutuwa kay Anne.

“Mula noong bata pa noong nag-artista si Anne Curtis hanggang ngayon, ‘yan ang taong hindi binabago ng panahon, ng kasikatan, at kahit sa init ng panahon,” saad ni Ogie.

“Gano’n kagiliw ‘yang si Anne Curtis. Kaya tuwang-tuwa ako dyan kay Anne,” dugtong pa niya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ito ay matapos pormal na ipakilala ng ABS-CBN ang lead stars ng Philippine adaptation ng patok na South Korean drama na “It’s Okay To Not Be Okay” kung saan makakasama ni Anne sina Joshua Garcia at Carlo Aquino.

At sa kabila umano ng batikos na natatanggap ni Anne dahil sa edad nito, iginiit pa rin ni Ogie na swak na swak daw para sa aktres ang role na gagampanan niya sa serye.

MAKI-BALITA: Di pa man nagsisimula: Anne Curtis, Joshua Garcia wala raw chemistry?