May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bea Borres, hindi tinuloy pagpapalaglag sa anak dahil takot sa Diyos

Bea Borres, hindi tinuloy pagpapalaglag sa anak dahil takot sa Diyos
Photo courtesy: GMA Network/YouTube, Bea Borres/Instagram

Bagama't kinonsiderang ipalaglag ang anak, hindi ito nagawang ituloy ng social media personality na si Bea Borres dahil sa kaniyang takot sa Diyos.

"Sumagi ba sa isip mo na ipalaglag ang bata?" tanong ni Boy Abunda kay Bea nang ma-interview niya ito sa kaniyang TV show na "Fast Talk with Boy Abunda" noong Friday episode, May 8.

"I considered it. I considered it na what if hindi ko na ituloy?" sagot ni Bea.

"What stopped you?" tanong muli ni Tito Boy.

"Yung takot ko po sa Diyos. I am not the most religious person pero takot na takot po talaga ako kay Lord. Feeling ko kahit I ask for forgiveness, may nadamay na baby parang hindi ko talaga... Kaya ko naman e. Honestly, speaking Tito Boy, kaya ko naman, kaya naman ng family ko e," paliwanag ni Bea.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Natatakot ako na anuhin ako ni Lord na i-take away sa'kin yung mga meron ako. Natakot po talaga ako," dagdag pa niya.

Para kay Bea, tama ang desisyon na ginawa niya. 

"If I would go back in time tapos magkakababy ako,  I would really do it the right way but I would choose the same baby all over again," saad ni Bea. "But in the different situation na siguro. Galing siya sa pagmamahal."

Isiniwalat din ni Bea na hindi planado ang kaniyang pagbubuntis dahil pipirma pa sana dapat siya ng kontrata sa GMA Sparkle bago mabuntis.

"Tito Boy, pa-sky rocket yung career ko magsa-sign na ako for GMA. As in may contract na ako and everything. I'm just asking questions, parang kina-clarify ko na lang, nagco-consult ako sa lawyer ko tapos yun na nabuntis ako. So, hindi talaga siya planado," sey ng first time mom. 

Ikinuwento rin ng first time mom na sobra siyang nahirapan sa kaniyang pagbubuntis.

Matatandaang Agosto 12, 2025 nang isiwalat niya sa publiko ang kaniyang pagbubuntis kay Pea o Victoria Hope.

Maki-Balita: Bea Borres, kumpirmadong buntis!

Ibinigay rin niya ang apelyido niya kay Pea imbes sa ama nito.

“[B]eing called a single mother never really bothered me because I’m confident and know what I’m capable of & one of the proudest moments of my life as a woman was choosing to give my daughter my last name,” sey ni Bea.

Maki-Balita: 'Proudest moment of my life!' Bea Borres, 'di binigay sa anak apelyido ng erpat