"When the past meets the present."

Pareho umanong nakasama ng ina ng dating senador at Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia Pacquiao ang kaniyang dati at kasalukuyang partner sa isinagawang 75th birthday celebration niya noong Mayo 15 sa General Santos City.

Sa ulat ng PEP, nakasama ni Mommy D ang ex na si Rosalio Pacquiao at kasalukuyang jowang si Mike Yamson, batay sa ibinahaging larawan ng manugang na si Jinkee Pacquiao. Sa larawan, makikitang napapaligiran ang tatlo nina Manny, Jinkee, at ilan pang mga imbitado sa party.

"Happy 75th birthday Mommy D. 💕💕💕 We love you! 💕💕💕" caption ni Jinkee sa kaniyang Instagram post, kalakip ang mga larawan ng birthday celebrant at mga bisita. Mayo 16  ito naka-post, ngunit ang aktuwal na kaarawan ni Mommy D ay Mayo 15.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Si Rosalio, na dating partner ni Mommy D, ay tatay ni Manny.

Sina Dionisia at ang boyfriend niyang si Mike ay isang dekada nang mag-jowa. May-December affair ang peg ng dalawa dahil 24 taon ang agwat ng edad nila sa isa't isa. Kahit binatbat man ng intriga, wafakels ang couple dito at in fairness naman, nalagpasan naman nila ang mga pang-iintriga.

Minsan na ngang pinasok ni Dionisia ang showbiz dahil sa charm at aliw factor na dala-dala niya sa publiko bilang "PacMom." Sa katunayan, kasama siya sa cast ng pelikulang "Ang Tanging Pamilya" noong 2009 kasama sina Ai Ai Delas Alas, Sam Milby, Toni Gonzaga, at dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada.