Challenging daw para kay Vivamax sexy actress Angeli Khang ang pakikipagbakbakan pero hindi na raw bago sa kaniya ang ganitong bagay.

Sa panayam kasi ni Lhar Santiago kay Angeli sa “24 Oras” nitong Lunes, Mayo 20, ikinuwento ng aktres ang karanasan niya sa pagiging taekwondo player.

"'Yong sa action, ibang genre naman. 'Yon lang talaga 'yong challenging, nakakapagod. Matagal din pala kapag nagso-shoot sa isang action scene," pahayag niya.

Dagdag pa niya: "Nag-taekwondo ako no'ng 11 years old ako, black belter. Thankful ako na pina-taekwondo ako ng dad ko, magagamit ko naman 'yong taekwondo skills ko, 'yung sport ko."

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Kaya naman masaya raw si Angeli na pinagkatiwalaan siya ng GMA Network na gawin ang role na ito sa teleseryeng “Black Rider.”

Ayon sa kaniya: "I'm so happy, my heart is very full, I feel blessed and honored na tinrust ako ng GMA, also Viva, na gampanan 'tong karakter na to." 

"As much as possible, I want to switch my genre to na kahit saan ako ilagay, kahit sa action, drama, comedy o ano man 'yan, kaya kong gawin as an artist," wika pa niya.

Matatandaang kamakailan lang ay nauna nang naiulat ang tungkol sa pagsabak ni Angeli sa mga maaaksyong eksena sa naturang teleserye.

MAKI-BALITA: ‘Masarap sa feeling!’ Angeli Khang, hahawak na ng baril sa Black Rider