Isang baboy ang naispatang pagala-gala sa gitna ng Cebu–Cordova Link Expressway (CCLEX).

Sa Facebook post ni Chanix Tatum, nakita nilang palakad-lakad ang baboy noong Biyernes, Mayo 17, dakong alas tres ng hapon.

Hinala tuloy ng netizens, baka raw nalaglag mula sa delivery truck ang baboy kaya ito naiwan sa daan.

Base naman sa panayam ng GMA News, ibinahagi ni Tatum na matapos nilang i-report sa security ng CCLEX ang nangyari, agad nilang inabisuhan ang truck na may kargang baboy na dumaan sa expressway.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

Makalipas ang ilang mga oras ay binalikan din naman daw ng naturang truck ang nakawalang baboy.

Samantala, habang sinusulat ito’y umabot na sa mahigit 698,000 views, 3,800 reactions, 800 comments, at 5,100 shares ang naturang post ni Tatum.

“babe n the city,” komento pa ng isang netizen.