Nakakaloka ang hirit ng vlogger at actress na si Alex Gonzaga sa isang residente ng barangay sa Lipa City, Batangas.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Alex nitong Linggo, Mayo 19,  nakipamiyesta si Alex sa isang barangay sa naturang bayan kasama ang mister niya. 

At sa isang bahagi ng vlog, sinabihan ng isang babae si Mikee na maswerte siya kay Alex saka pinayuhan ang huli na magpalaway. 

“Kaswerte niya [Mikee],” anang babae.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Ang ganda mo raw kaya swerte ako,” sabi ni Mikee kay Alex.

“Dapat nagpapalaway ka,” sundot ng babae.

Tugon naman ni Alex: “Lagi na ho akong nilalawayan nito [Mikee]. Gabi-gabi.”

Samantala, sa isa pang bahagi ng vlog ay inusisa naman niya ang mister niya kung anong pipiliin sa pagitan ng tahong ni Carla o tahong ni Alex.

MAKI-BALITA: Mikee Morada, mas bet tahong ni Alex kaysa kay ‘Carla’

Ginawa ni Alex ang pamimiyestang ito bilang bahagi raw ng pagiging Lipeña niya. Nakapagparehistro na raw kasi siya sa Lipa matapos siyang payagan ng tatay niya na lumipat sa hometown ni Mikee.