Nagulat ang mga netizen sa anunsyong kasal na ang celebrity couple na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz nitong araw ng Sabado, Mayo 18.

Hindi naman naiwasan ng mga netizen na hindi mabalikan ang alaalang nagsimula bilang child stars ang dalawa.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

View this post on Instagram

A post shared by La Belle Fête (@labellefete)

Nagkasama sina Nash at Mika sa children gag show na "Going Bulilit" noon. Si Nash ay produkto ng "Star Circle Quest Kids Edition" kasama si Sharlene San Pedro noong 2004, bilang Grand Kid Questor.

Si Mika naman ay kapatid ng actress-politician na si Angelika Dela Cruz.

Nagsimula ang pag-iibigan nina Nash at Mika noong 2018.

Bukod sa Going Bulilit, nagkasama rin sila sa ABS-CBN shows gaya ng "Dahil May Isang Ikaw," "Tiyanaks," "Guns and Roses," at "Luv U."

Sey naman ng mga single na netizen, naunahan pa raw sila nina Nash at Mike. Na-realize din umano nila na "matanda" na sila.

"Nakakaloka, buti pa sina Nash and Mike nakapag-asawa na! Tayo ba?"

"nasa going bulilit pa Sila nun pinapanood ko na sila Ang tanda ko na pala talaga 🥹Sila kinasal na samntalang aq nag aantay pa kung nasaan na Ang Mr Right ng cup cake ko!"

"In 13 years, where was i?"

"Ganun na ba kabilis ang panahon, napag-iiwan na ako hahaha."

"Mga bagets pa lang sila noon, ngayon kasal na..."

"Kung nasaksihan mo ang kasal nina Nash at Mika, baka may gout ka na."

Congrats, Nash at Mika!

MAKI-BALITA: Nash Aguas, Mika Dela Cruz ikinasal na!