Patuloy pa ring nakaaapekto ang shear line at easterlies sa buong bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, Mayo 18.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Batanes at Babuyan Island dahil sa shear line o ang “boundery line” kung saan nagsasalubong ang malamig at mainit na hangin.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahang magdudulot ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng maalinsangang panahon sa tanghali sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

National

ALAMIN: Mga sintomas ng heat-related illnesses at mga dapat gawin kapag nakaramdam nito

May tsansa pa rin naman daw ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan at thunderstorms sa mga nasabing lugar pagsapit ng hapon o gabi.

Sa kasalukuyan ay walang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).