Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang probinsya ng Sarangani nitong Sabado ng hapon, Mayo 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:26 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 305 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Kiamba, Sarangani, na may lalim na 552 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.