Nagbigay ng mensahe si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez sa sinumang nagnanais daw na mamatay na siya.

"I have this message to whoever wants me dead: I would not be cowed by any threat, political or otherwise,” pagbibigay-diin ni Gomez sa isang pahayag ng inulat ng Manila Bulletin.

Sinabi rin ni Gomez na hindi siya magpapaapekto sa naturang banta sa kaniyang buhay, at patuloy pa rin niyang gagampanan ang kaniyang tungkulin.

“I would continue to discharge my public duties and would not be deterred from doing so by those who want to see me lose,” ani Gomez.

National

Richard Gomez, may banta raw sa kaniyang buhay

“I would not be fazed by the nefarious activities of political leaders who are more focused on protecting their interests than serving the people,” saad pa niya.

Mayroon umanong napauulat na target ng “assassination plot” si Gomez, maging ang nasa apat na mayor sa Leyte at hindi pa mabilang na mga lider ng barangay sa third at fourth district ng lalawigan, dahil sa pag-aksyon ng mga ito sa mga iligal na aktibidad sa lugar.

Nagsasagawa umano ang “gun-for-hire groups” ng liquidation operations sa nasabing dalawang distrito ng Leyte, at malaking halaga raw ang inilagay sa ulo ni Gomez at iba pang mga “target.”