Isang 25-anyos na babae na maniningil lang daw ng utang ang pinaslang at isinilid sa isang cooler o ice box sa isang bahay sa Barangay Hugo Perez, Trece Martires, Cavite nitong araw ng Miyerkules, Mayo 15.

Sa ulat ng ABS-CBN News, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng cooler nang kumanta ang misis ng suspek at ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang inamin sa kaniya ng mister.

Kuwento raw ng misis, hindi raw sinasadya ng kaniyang mister na bigtiin ang biktima at mapatay nang puntahan siya at singilin ng utang.

Nang mapatay ang biktima, isinilid daw ang bangkay nito sa malaking pulang ice box.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kahit nakosensya raw at inamin ang krimen sa asawa ay patuloy raw na nagtatago ang suspek, na isang 36-anyos na tsuper ng pampasaherong jeepney.

Patuloy ang man-hunt operation ng pulisya upang masukol ang suspek ngayong araw ng Huwebes, Mayo 16.