Nagbigay na ng pahayag ang aktres na si Coleen Garcia kaugnay sa estado ng kalusugan ng asawa niyang si Billy Crawford.

Matatandaan kasing kamakailan lang ay nagsulputan ang larawan ni Billy na tila screengrab mula sa isang video kung saan makikita ang labis na pamamayat nito.

Pero ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Mayo 14, dumepensa raw si Coleen sa mga intrigang may sakit umano ang asawa niya.

"He's more than okay. As in, 'yon na nga, payat siya kasi wala na siyang mga bisyo. Ang dami kasing nagsasalita, 'di ba? Pero in his whole life, proud ako sa kaniya na never siyang naka -- and never even tried mga hard drugs or anything," lahad ni Coleen.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dagdag pa niya: "We're putting it out there and honest kami sa inyo. Sana may mga mag-respect din sa mga sinasabi namin, because we wouldn't lie about something like that. Billy used to struggle with alcoholism. He quit alcohol, he quit smoking, wala siyang bisyo ngayon, and he's healthier than ever."

Sa paniniwala ni Coleen, malaki umano ang kinalaman ng pamamayat ng asawa niya sa madalas nitong pagbibyahe sa iba’t ibang bansa na bahagi raw ng trabaho nito.

Samantala, bago pa man ito, tila pasimple nang sinagot ng aktres ang mga intriga tungkol sa pisikal na anyo ni Billy sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Coleen Garcia, inilantad totoong hitsura sa bahay: ‘I look sick’