May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Maris Racal, may pa-libreng bigas sa kaniyang 12th anniversary sa showbiz

Maris Racal, may pa-libreng bigas sa kaniyang 12th anniversary sa showbiz
Photo courtesy: Maris Racal (Instagram screenshot)

Namahagi ng libreng bigas si Kapamilya star Maris Racal sa mga jeepney driver noong Lunes, Mayo 18, upang ipagdiwang ang kaniyang ika-12 taon sa industriya ng showbiz. 

“12 years na ako sa industria happy anniversary to us mariestellers. love you all so much!” caption ni Maris sa kaniyang Instagram post. 

Mapapanood sa post ng aktres na masaya niyang inaabot ang plastic ng bigas sa ilang dumadaang tsuper sa University of the Philippines (UP) sa Diliman, Quezon City. 

Samantala, binati rin siya ng ilang personalidad at kasamahan sa showbiz sa kaniyang ika-12 anniversary. 

“Thank you for doing this Maris bilang consumer beat reporter, ito yung isa sa mga dapat talagang tutukan ngayon na issue dahil habang may mga kaguluhan sa pulitika, naghihintay ang taongbayan ng tulong para sa kumakalam na sikmura. Ang taas ng presyo ng bigas. What you give these people is more than just rice itself but you also give them hope and faith in humanity. May God bless you more,” pagbati ni GMA News reporter Bernadette Reyes. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Woot woot!!!! Love you ,” saad naman ng aktres na si Agot Isidro. 

Gayundin ang kaniyang fans at followers online. 

“Happy Anniversary Maris Racal. You are our forever bata, our Nation's Endearing Sweetheart, our GuitaRis, our Romcom Princess, our All-Purpose Queen ”

“Happy anniv Maris! God bless you more. ”

“happy 12yrs love, sooo proud!!”

“Sana lahat katulad mo. Happy 12th anniversary! ”

“Happy Anniversary maris and maristellers I'm Soo proud of you Bata ang Bata namin sa loob ng bahay ni kuya noon at Hanggang Ngayon love love ka namin Dito lang kami ng aabang ng mga project mo love you always”’

Si Maris ay unang nagsimula sa showbiz bilang housemate sa Pinoy Big Brother: All In Season 5 bilang “Singing Sunshine ng Davao.” 

Ilan sa mga naging proyektong kinabilangan niya ay ang “Can’t Buy Me Love,” “Incognito, “FPJ’s Batang Quiapo,” at ang pelikulang “Sunshine.” 

Bilang singer, idinaos ang kaniyang first major concert na “4 of A Kind: The Un4gettable Concert” sa Music Museum kasama sina Loisa Andalio, Sue Ramirez, at Kristel Fulgar. 

Nito lamang Marso, inilabas ni Maris ang kaniyang single na “Sino Ang Tanga.”