Isang madamdaming mensahe ang ipinaabot ni Kapamilya singer Angeline Quinto para sa asawa niyang si Nonrev Daquina.

Sa latest Instagram post ni Angeline nitong Miyerkules, Mayo 15, sinariwa niya kung paano nag-umpisa ang kuwento ng pag-ibig nila ni Nonrev.

“Alam ko hindi naging madali sa umpisa. May ibang ayaw sa relasyon natin, Pero mas pinili mong manatili sa tabi ko, no’ng panahong kailangan na kailangan kita,” saad ni Angeline.

“No’ng panahong ayaw ko nang kumanta at magtrabaho dahil sa pagkawala ng Mama. Ikaw ang naging kakampi at inspirasyon ko. At ang pagdating ni Sylvio ang nagbago ng buhay ko,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Angeline ang tungkol sa kantang inialay niya raw para kay Nonrev na ginamit pa sa bridal march niya nang ikasal sila.

Ayon  sa kaniya: “Para saiyo ang awiting sinulat ko, kasama ni Sir @jonathanmanalo natapos namin ang kanta bago ang kasal natin kaya ito rin ang ginamit para sa bridal march ko last month,” 

“Nonrev, habang buhay kitang ipaglalaban. SALAMAT IKA'Y DUMATING,” lahad pa niya. 

Matatandaang kamakailan lang ay kinukuwestiyon daw ng mga tao ang kapasidad ni Nonrev na magsustento kay Angeline. 

MAKI-BALITA: Mister ni Angeline Quinto, ‘di kayang magsustento?

Pero ilang beses nang pinabulaanan ni Angeline ang isyung ito na iniuugnay palagi sa asawa kahit noong hindi pa sila kasal.

MAKI-BALITA: Solong naghahanapbuhay? Angeline Quinto, dinepensahan ang fiancé sa mga malisyusong intriga

MAKI-BALITA: Jowa ni Angeline Quinto, inaakusahang namemera lang daw; singer, nagsalita na