Next Marimar?

Pinusuan ng mga netizen ang make-up transformation ng social media personality na si Zeinab Harake matapos niyang maging "Marimar peg."

"Marimar trend 🧜‍♀️ Palagi kang magiging inspirasyon My idol @marianrivera," caption ni Zeinab sa kaniyang Marimar trend na talaga namang umani ng reaksiyon sa mga netizen.

[embed]

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Lalo pa siyang natuwa nang mag-react dito ang original Marimar sa Philippine remake na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Talong smiling face na may heart-eyes emojis ang naging reaksiyon dito ni Marian, na ibig sabihin, aprub sa kaniya ang ipinakita ni Zeinab.

"OMG," reaksiyon naman ni Zeinab.

"@marianrivera Mahal na mahal na mahal na mahal kita habang buhay yan 🥹🤍," dagdag pa niya.

View this post on Instagram

A post shared by @zeinab_harake

Hirit naman ng mga netizen na kung magkakaroon ulit ng remake, puwedeng-puwede raw ikonsidera si Zeinab sa role.