Pasimple at cool na nilinaw ng Kapuso actor-TV host na si Paolo Contis ang dahilan kung bakit mukhang nabawasan ang kaniyang timbang.

Sa mediacon ng pelikulang "Fuchsia Libre," sinabi ni Paolo na nag-lose weight siya bilang preparasyon sa nabanggit na pelikula, dahil may mga fight scene siya rito.

Hindi raw totoo ang mga kumalat na tsikang "drug addict" siya.

Tinapos daw muna niya ang "A Journey" na reunion movie nila ng ilang cast members ng 90s youth-oriented drama series na "Tabing Ilog," na sina Kaye Abad at Patrick Garcia na napapanood sa Netflix.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

"After A Journey I had to lose weight for the role, this one, kaya tuloy-tuloy... kaya hindi po totoong adik ako," ani Paolo. "Hindi po totoong nag-aadik ako..."

Samantala, isiningit naman ng showbiz reporters ang tanong tungkol sa napapabalitang "hiwalayan" nila ng girlfriend na si Yen Santos.

Hindi pa man diretsahang nababato ang tanong, "No comment" na kaagad ang sagot ng aktor at halatang iwas na iwas siya sa tanong.

Nabulabog kamakailan ang social media matapos mapansin ng mga netizen na burado na ang birthday greeting post ng aktres sa kaniyang boyfriend, na tinawag pa nga niyang "best friend."

Kung titingnan naman ang Instagram account ni Paolo, kapansin-pansing ni isa ay wala siyang fina-follow, kahit ang IG account ng bebe niya.

"No comment" ang sagot niya kung okay pa ba sila ni Yen, at kulang na lang, layasan niya ang press na nag-iinterview sa kaniya.

MAKI-BALITA: Paolo nakorner at inurirat tungkol kay Yen, may nakakaintrigang tugon