Ibinahagi ng TV host-actress na si Karla Estrada ang mga lubak niya sa buhay nang kapanayamin siya ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano.

Sa isang bahagi ng vlog ni Bernadette noong Linggo, Mayo 12, sinabi ni Karla na pag-ibig daw ang kadalasang lubak niya sa buhay.

“Lagi akong nagkakamali sa pagmamahal. Kasi malaking impact sa akin ang paglaki ng walang tatay. Walang father image. Hindi ko alam kung paano ako mahalin ng isang lalaking imahe,” saad ni Karla.

“Feeling ko, pagka binigyan ako ng bulaklak, pinakitaan ako ng maganda, sabihan ako ng flattering words, or mga pambobola, feeling ko mahal na ako,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Dagdag pa niya: “So, it was a journey. It was actually para siyang hinanap ko lagi. So, laging palpak.”

Pero paglilinaw ni Karla, bagama’t palpak siya sa pag-ibig, hindi naman daw niya itinuturing na pagkakamali ang pagkakaroon ng anak.

Dahil sabi niya: “Ang pagkakaroon ng anak along the way na mayro’n akong kinakasama at nagmamahalan kami nabubuo ‘yong bata. Hindi naman nabuo ‘yong no’ng hiwalay na kami. Or no’ng bago lang kami magkakilala.”

Sadyang dumadating lang daw talaga sa punto na isa na lang daw ang nagsasalba sa relasyon kaya nauuwi sa hiwalayan.

Matatandaang si Karla ay may apat na anak mula sa iba’t ibang lalaking naging bahagi ng buhay niya.