Isang magnitude 4.8 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Davao de Oro nitong Martes ng madaling araw, Mayo 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:26 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 2 kilometro ang layo sa timog-silangan ng New Bataan, Davao de Oro, na may lalim na 10 kilometro.

Naiulat ang Intensity IV sa New Bataan at Monkayo, DAVAO DE ORO; Intensity III sa Maco, DAVAO DE ORO, at Intensity I sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.

Naitala rin ang Instrumental Intensity II sa Nabunturan, DAVAO DE ORO.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol, ngunit posible raw magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.