Naghayag ng interes si GMA Sparkle artist Faith Da Silva na makatrabaho ang Kapuso star at Drama King na si Dennis Trillo.

Sa artikulong inilathala ng GMA Network noong Linggo, Mayo 12, sinabi umano ni Faith na si Dennis raw ang pangarap niyang maging leading man.

"Grabe 'yong mga mata n'ya. Talagang kapag umaarte s'ya sobrang expressive," saad ni Faith.

Bagama’t hindi pa nagkakasama sa isang proyekto, nakasayaw naman at nakakulitan ni Faith si Dennis sa countdown variety show na TiktoClock last year.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa kasalukuyan, abala raw ngayon si Faith sa paghahanda niya sa inaabangang “Encantadia: Chronicles Sang’gre.

Matatandaang kabilang si Faith sa mga ipinakilala bilang bagong tagapangalaga ng brilyante noong Oktubre 2023.

MAKI-BALITA: Faith Da Silva, Kelvin Miranda, Angel Guardian ang mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante!

Pero bago pa man ito ay nauna nang ipinakilala ang Kapuso actress na si Bianca Umali bilang si “Terra,” na bagong tagapangalaga ng brilyante ng lupa, na tagapagmana ni Sang’gre Danaya.

MAKI-BALITA: ‘Avisala, Terra!’ Bianca Umali, pasok bilang bagong sang’gre