Walang edad ang makapipigil sa isang tao para "mag-heal ng kaniyang inner child!"

Kinaaliwan sa social media ang TikTok video ng netizen na si "Juday (@juuuudddaaayyyy)" matapos niyang itampok ang isang estrangherong lolang nakisali sa kanilang paglalaro sa loob ng isang mall.

Sa panayam ng Manila Bulletin kay Juday, sinabi niyang nagulat na lamang silang magkakaibigan nang biglang lumapit ang nakangiting lola sa kanila.

"Habang naglalaro, nakita namin si Nanay; watching us and smiling. Then lumapit po siya at nagulat po kami she said that she wanted to play with us. She even shared stories of her back then," kuwento ni Juday.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

[embed]

Naging emosyunal daw sila nang mapanood na nila ang TikTok video matapos itong i-upload. Makalipas ang ilang araw ay muli nilang nakita ang lola kasama ang asawa niya. Gumawa ulit sila ng TikTok video kasama ang dalawa.

"Na-realize ko na hindi hadlang 'yong age mo para pigilan ka sa mga gusto mong gawin. Isipin po natin na masaya ang buhay. Enjoyin lang po natin dahil hindi po natin alam na meron din palang tao na nagiging masaya para sa atin kapag masaya tayo," aniya sa panayam.

[embed]

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Naencounter din namin sya sa Sta Lucia Mall habang umoorder ng pagkain. Then paglapit nya samin bigla syang nag joke HAHAHAHAHA ang random promise. tas biglang lumapit asawa nya..."

"what if di niya naranasan sa anak niya na sumaya kaya siya nakisali"

"what if sya yung fairy naghahanap nang magbibigay nang biscuit katulad nang fita"

"Tas sobrang yaman pala nyan tapos naghahanap sya ng pamamanahan tapos kayu nakita HAHAHAHAHAHAHAHA"

"Heart-breaking! Salamat sa inyo!"

"Baka naghe-heal din siya ng inner child."

Samantala, sumagot naman ang pamunuan ng mall sa TikTok video ni Juday.

"Hi juuuudddaaayyy, friends, and nanay! I hope you had fun here at SM City East Ortigas. We are happy to bring smiles to your faces with our summer hangout setup," anila.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 7.5M views ang nabanggit na TikTok video.