Nagbigay ng payo ang social media personality na si Xian Gaza para sa mga Generation Z hinggil sa pagpili ng magiging katuwang sa buhay.

Sa latest Facebook post ni Xian nitong Sabado, Mayo 11, na bago pumasok sa isang relasyon ay mahalaga umanong suriin muna ang magiging jowa.

“Napakalaki ng impluwensya ng partner mo sa iyong buhay. Kapag napunta ka sa maling partner, masisira buong pagkatao mo. Choosing the wrong partner will ruin your mind, your life and your future. Magsasayang ka ng mahabang panahon destroying your self and it will take years bago mo ulit mabuo ang sarili mo,” saad ni Xian.

“So para hindi ka magaya sa henerasyon namin at humantong sa sitwasyon na iyon, huwag ka basta-basta magjowa ng kung sinu-sino lang. Kasi kapag napasubo ka na sa maling relasyon eh mahirap ng umexit lalo na kung mahal na mahal mo na yung tao,” aniya.

Lifehacks

ALAMIN: Saan nga ba makakakuha ng libreng ticket para sa 2024 Manila International Book Fair?

Dagdag pa niya: “But on the other hand, if you manage to choose the right partner, it will bring you to the best version of yourself and to the best time of your life. choose. your. partner. Wisely.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 41k reactions at 6.4k shares ang naturang post ni Xian.