Ipinaliwanag na ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda ang kaniyang naisip na konsepto at atake sa nag-viral niyang "Piliin Mo Ang Pilipinas" video challenge na pinuri hindi lamang ng netizens kundi maging ng mga kapwa celebrity, politiko, at mga grupo ng iba't ibang sektor.

Ilan sa mga ipinakitang usaping panlipunan sa kaniyang challenge ay ang araw-araw na kalbaryo ng mga pasahero dahil sa matinding daloy ng trapiko, ang isyu ng pag-phase out sa mga lumang pampasaherong jeepney dahil sa public vehicle modernization program, ang "Torre De Manila" na sinasabing "photobomber" sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park, ang pagtatayo ng resort sa vicinity ng Chocolate Hills sa Bohol, at ang mainit na dispute tungkol sa West Philippine Sea at pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda.

Sa dulo ng video, sinabi ni Vice na mahirap mang ipaglaban ang Pilipinas, ito pa rin ang pipiliin niya.

"Kahit mahirap kang ipaglaban, pinipili pa rin kita Pilipinas," pahayag ni Vice sa dulo ng video habang iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas.

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin

Agad itong pumalo ng milyong views sa social media, lalo na sa TikTok.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Vice na pinag-isipan niyang mabuti ito kaya medyo huli na ang pag-upload niya. Ginamit niya ang trend upang maiparating ang nais niyang iparating.

"Ayoko naman ‘yong basta sumakay lang sa trend. I thought of making use of the trend for a very special purpose.

Contrast siya. ‘Yong Pilipinas kasi hindi lang siya puro maganda. Ang realidad ay meron ding hindi magandang sitwasyon, merong hindi magandang bahagi ang Pilipinas. Pero ano’t anoman ‘yan, pipiliin mo pa rin siya at ipaglalaban mo ang Pilipinas.

Bukod sa ipinagmamalaki natin ‘yong magagandang aspeto ng Pilipinas, dapat gising at aware din tayo sa katotohanan, sa hindi magandang katotohanan sa paligid natin. Hindi puwedeng ‘yong maganda lang ang alam natin. Maganda rin ‘yong alam natin ‘yong hindi magagandang bahagi nito.

"Ayoko naman ‘yong basta sumakay lang sa trend. I thought of making use of the trend for a very special purpose," paliwanag ng TV host-comedian.

"Contrast siya. ‘Yong Pilipinas kasi hindi lang siya puro maganda. Ang realidad ay meron ding hindi magandang sitwasyon, merong hindi magandang bahagi ang Pilipinas. Pero ano’t anoman ‘yan, pipiliin mo pa rin siya at ipaglalaban mo ang Pilipinas."

"Bukod sa ipinagmamalaki natin ‘yong magagandang aspeto ng Pilipinas, dapat gising at aware din tayo sa katotohanan, sa hindi magandang katotohanan sa paligid natin. Hindi puwedeng ‘yong maganda lang ang alam natin. Maganda rin ‘yong alam natin ‘yong hindi magagandang bahagi nito," aniya.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, tinapos na raw ang laban sa ‘Piliin Mo Ang Pilipinas” challenge

MAKI-BALITA: Pinas mahirap ipaglaban, pero pinipili pa rin ni Vice Ganda

Nakakaloka naman ang ilang netizens dahil hinihimok na nila si Vice na pasukin na rin ang politika at kumandidato bilang senador sa 2025.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, pinu-push ng netizens na tumakbong senador

Patungkol dito, wala pang reaksiyon o pahayag ang Showtime host.