Nagbigay ng reaksiyon ang aktor na si Rommel Padilla kaugnay sa nangyaring hiwalayan ng anak niyang si Daniel Padilla at ng ex-jowa nitong si Kathryn Bernardo.

Sa isang TikTok video na ibinahagi ng Star Photog kamakailan, matutunghayang sinabi ni Rommel na umaasa pa rin daw siyang magkabalikan ang dalawa.

"Talagang nangyayari ‘yan, e. Dumadating ‘yong puntong nagkakasubukan. Pero para sa akin, ako, I still pray na sana dumating ‘yong panahon na magkita sila ulit,” pahayag ni Rommel. 

“Magkaunawaan dahil napakalaking panahon ‘yong nilaan nila sa pagmamahalan nila. Pinagdadasal ko, sana manumbalik pa ang kanilang pagmamahalan," aniya.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Dagdag pa niya: “Habang sila mga single, sana magmuni-muni talaga sila. O timbangin nila 'yong kanilang naging pagmamahalan sa kasalukuyan. Dapat bang mag-stay, dapat ba tayong magbalikan. I guess, ito 'yong time na 'yon, e.”

Matatandaang kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang hiwalayan nila noong Nobyembre 2023 sa pamamagitan ng social media post.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn