Naghayag ng sariling pananaw ang showbiz insider na si Ogie Diaz tungkol sa umano’y dahilan kung bakit nawala ang birthday greeting ng aktres na si Yen Santos sa jowa nitong si Paolo Contis.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Mayo 10, sinabi ni Ogie na nagkaroon lang umano ng misunderstandings ang nabanggit na celebrity couple. 

“Ako—feeling ko lang—siguro kaya nawala ‘yong birthday post ni Yen kay Paolo dahil baka nagkaroon sila ng misunderstanding,” lahad ni Ogie.

“‘Di ba may mga ganyan? Kapag nabubuwisit ka, pak alis! Delete. Tapos ‘pag okay na ulit, naka-archive lang pala. Balik,” dugtong pa niya. 

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Matatandaang ayon sa ulat ng isang pahayagan kamakailan ay pinabulaanan umano ni Paolo ang espekulasyon na hiwalay na raw siya kay Yen.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag si Yen para kumpirmahin o pabulaanan ang naturang isyu.

MAKI-BALITA: Yen binura daw ang birthday post para kay Paolo, sila pa raw ba?