Nagpaabot ng mensahe ang National Book Development Board-Philippines kaugnay sa pagdiriwang ng mother’s day.

Sa Facebook post ng NBDB nitong Linggo, Mayo 12, nakiisa sila sa pagbibigay-pagkilala sa sakripisyo at pagmamahal ng mga ina.

“Karaniwan, itinuturing ang isang Ina na kauna-unahang guro ng kanyang mga anak -- mula sa paglinang ng magandang asal, pagbabasa ng libro at pagsusulat, at pagbibigay ng inspirasyon at mga aral -- kasabay ng pagsisikap para sa ikabubuhay at ikagaganda ng buong pamilya,” saad ng NBDB.

“Tunay ngang hindi mapapantayang bayani ang ating mga Ina,” anila.

National

Romualdez masarap daw tulog, nag-react sa balitang na-stroke, naospital siya

Kaya naman: “Kaisa ang National Book Development Board sa mainit na pagbati sa ating mga Ina, sa lahat ng tumatayong mga Ina at sa mga magiging Ina.”

“Maraming maraming salamat po sa inyong mga sakripisyo!” dugtong pa nila.

Ang NBDB ay isang ahensya ng gobyerno na tumutugon sa layuning maisulong ang industriya ng paglalathala ng mga libro sa bansa.