Ibinahagi ng komedyanteng si K Brosas na nakipagkita sila ng kaibigang si Kapuso comedy star-TV host Pokwang kay Sen. Risa Hontiveros, na inilarawan niya bilang "favorite senator."

Hindi naman maiwasan ng mga netizen na matawa sa hirit niya tungkol sa pagdadala ng birth certificate at school records.

"Merienda at chikahan with bff@pokwang27 at fave senator @risahontiveros... dinala ko birth certificate at school records ko just in case chos!! lablablab! 😅🥰💖," hirit ni K.

[embed]https://twitter.com/kbrosas/status/1789201828120506374[/embed]

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Samantala, sa kaniyang pagbati sa Mother's Day ay may hirit din si Sen. Risa.

"Happy Mother’s Day to all the momshies out there."

“Sana alam niyo kung may birth certificate ang anak niyo. ,”aniya.

Ang naturang hirit ni Hontiveros ay matapos niyang kuwestiyunin kamakailan sa isang senate hearing si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil napag-alamang wala siyang school at hospital records.

Nang tanungin ng senadora ang alkalde kung saang bahay siya ipinanganak at kung saang school provider nakakonekta ang kaniyang naging guro nang mag-homeschool siya, ang naging sagot nito ay “hindi niya alam” at “hindi na niya matandaan.”

Nasa 17-anyos na umano si Guo nang mairehistro ang kaniyang kapanganakan sa bahay, at wala rin daw itong diploma dahil tuloy-tuloy umano siyang nag-aral sa pamamagitan ng homeschooling kung saan siya tinuruan ng isa niyang tutor habang naninirahan sa isang “farm.”

MAKI-BALITA: Mayor ng Bamban, Tarlac, walang school at hospital records?