Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Sorsogon nitong Biyernes ng madaling araw, Mayo 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:07 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 8 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Donsol, Sorsogon, na may lalim na 2 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Donsol at Castilla, SORSOGON

Intensity II - City of Legazpi, ALBAY

Intensity I - Tabaco, ALBAY; Pili at City of Iriga, CAMARINES SUR

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.