May inamin ang Kapuso actor na si Yasser Marta tungkol sa relasyon nila ni Optimum Star Claudine Barretto nang kapanayamin siya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.

Sa isang bahagi kasi ng panayam noong Miyerkules, Mayo 8, diretsahang inusisa ni Boy kay Yasser kung naging magkarelasyon ba sila ni Claudine.

“Hindi po,” sagot ni Yasser. 

“Pero anong sinabi mo noon na nagkaroon ka ng feelings?” sundot pa ni Boy.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Of course, Tito Boy, sino ba ang hindi mahuhulog sa isang Miss Claudine Barretto? Napakalambing, napakaganda, lahat ng iwi-wish mo nasa kaniya na," paliwanag ng aktor. 

Dagdag pa niya: “Ako, kung maibabalik ko lang siguro 'yong panahon dati na sabay kaming nandito sa industriya, Tito Boy, sana mabalik ko 'yon. "Yong timing din. [Sabi sa] kanta nga... right love at the wrong time.”

Matatandaang bago pa man ito ay isiniwalat na ni Yasser sa isang episode ng “Sarap ‘Di Ba?” na nahulog umano ang loob niya kay Claudine.

MAKI-BALITA: Yasser Marta, nagkagusto kay Claudine Barretto: ‘Napakabuti ng puso niya’