Matapos sitahin ng ilang netizens sa paglalagay ng inflatable pool sa loob ng bahay, hindi nagpatinag ang TV host na si Dianne Medina at nagpuwesto naman ng malaking bouncy castle sa gitna ng sala.

Makikita sa Instagram post ni Dianne ang larawan nila ng anak na si Joaquin, at kitang-kitang nagkasya ang dambuhalang bouncy castle sa kanilang sala.

"My House, My Child, My Rules! Kahit maglagay pa ako ng inflatables sa loob okay lang!" caption ni Dianne.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mapapansing nakasarado naman ang comment section kaya wala nang makapaglapag ng komento sa kaniyang post.

Matatandaang hindi pinalagpas ni Dianne ang isang netizen na nagkomentong bakit naman daw sa loob pa ng bahay naglagay ng pool, at sayang naman daw ang magarang sofa.

"Katwiran naman ni Dianne, minsan lang maging bata ang anak nila kaya pagbigyan na kung ano ang gusto nito.

"We can always buy a new one, but Joaquin's happiness hindi 'yan maibabalik at mabibili," aniya.

MAKI-BALITA: Anak nag-swimming sa sala: Dianne, tinalakan mga nangingialam