Aware si Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda na habambuhay nang markado sa bashers at haters niya ang insidente ng pagbibiro niya kay award-winning journalist Jessica Soho, kaugnay ng "rape."

Ito ang sinabi niya sa alagang si Awra Briguela nang kumustahin niya ito matapos ang kinasangkutang insidente sa isang bar, na naging dahilan para makulong ito at makasuhan pa. Nag-iwan ito ng negatibong imahe kay Awra at sa tuwina, lagi na itong iniuungkat sa kaniya ng bashers.

MAKI-BALITA: Awra aminadong walwalera, gimikera; pantakas sa problema

MAKI-BALITA: Awra ‘nadurog’ sa kinasangkutang rambulan sa bar: ‘I’m getting better!’

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Bilang bahagi ng pagproseso sa anak-anakan ay binanggit din naman ni Vice Ganda ang mga bagay na sa palagay niya ay "depinisyon" na sa kaniya ng mga may ayaw sa kaniya.

"Para sa ibang tao na hindi ako gusto, meron lang silang isang definition sa akin. Ang definition lang nila tungkol sa akin ay isang pangit na definition. And that is enough for them not to like me," pagpapaliwanag ng komedyante-TV host.

"Sa mga taong ayaw sa akin, isa lang ang definition ko. I made a rape joke about Jessica Soho. Iyon ang definiton ko sa mga taong ayaw sa akin. Habang buhay na nilang bibitbitin 'yon para magkaroon ng rason na magalit sila sa akin habambuhay."

"Other than that, wala na silang nakikita sa akin. Hindi na nila makikita ang mga bagay na gagawin kong tama. Hindi na rin nila makikita ang mga magagandang bagay na lalabas sa bibig ko. Hindi na nila nakikita 'yong magandang epekto ko sa ilan. Hindi na nila makikita kung ano mang kabutihan meron ako sa puso ko. Hindi nila makikita 'yon dahil ayaw nila sa akin. They do not like me... they hate me."

"They only need one reason to define me. They only need one bad definition of me. And that is Vice Ganda, siya 'yong nag-rape joke kay Jessica Soho. At paulit-ulit nilang babalikan 'yon para hindi sila mawala sa paniniwala na ayaw nila ako," dagdag pa.

Matatandaang nangyari ang rape joke ni Vice Ganda kay Jessica sa 2013 concert niyang "I-Vice Ganda Mo 'Ko sa Araneta" noong 2013.

Matapos kuyugin ng mga tao, netizen, at maging ng iba pang grupo, nagpahayag ng public apology si Vice Ganda sa pamamagitan ng It's Showtime.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa raw nagkakaayos ang dalawa. Sa katunayan, hindi pa nafi-feature sa "Kapuso Mo Jessica Soho" ang host o kahit na sinong Showtime host, matapos patuluyin sa GMA Network ang nabanggit na Kapamilya noontime show.

Samantala, mapapanood ang heart-to-heart talk ng "mag-ina" sa part 2 ng ">recent vlog ni Vice Ganda.