Nagpaliwanag ang singer-actress na si Jessa Zaragoza kung bakit naka-todo make-up pa siya habang naghuhugas ng mga pinagkainan nila sa bahay.

May pumansin kasi sa misis ng OPM singer na si Dingdong Avanzado kung bakit kailangan pa raw nakaayos gayong nag-aasikaso lang naman daw siya ng isa sa mahahalagang gawaing-bahay: ang paghuhugas ng mga pinagkainan.

Ibinida kasi ang video ni Jessa ng kaniyang anak na si Jayda Avanzado, habang ginagawa nila ang isang challenge. Ito ay ang "Finish the Lyrics" Challenge.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

View this post on Instagram

A post shared by Jayda (@jayda)

Habang marami ang naaliw sa bonding ng mag-ina, isang netizen naman ang nagkomento na "Dapat ba full make-up washing the dishes?"

Hindi naman ito pinalagpas ni Jessa at sinagot.

"Galing kasi akong show nyan. Pagkababa ng kotse, diretso sa kusina par maghugas ng pinggan. Wala kaming katulong sa bahay kaya ako lang naghuhugas ng pinggan sa bahay namin. Di na ako nakapagpalit ng damit at tanggal make-up galing trabaho. Gawa agad ng naiwang gawaing bahay para matapos na at gabi na yan. Ok na ba sayo itong explanation ko?! Pasensya ka na ha," komento ni Jessa sa Instagram post.

Sa Facebook reel naman ng anak ay nagkomento rin si Jessa, "Kayo naman, wag na kayo mainggit. Kulang lang yan sa ligo😁 init kasi ng panahon noh, sobra. Naka full make up po kasi galing akong trabaho nyan. Nag show. Di ba ako po si Jessa?! Singer po ako. Galing event. So naka Ayos. Di pa nga ako nakapag palit ng damit. Pagkababa ng kotse, diretso na agad ng kusina. Wala po kaming katulong sa bahay. Ako lang lahat sa bahay namin. Lalo na hugas ng pinggan. Ako lang yan. So minabuti ko ng tapusin na ang gawaing bahay agad bago umakyat sa kwarto para mag linis ng katawan, mag tanggal make up, kasi galing ngang trabaho sa labas. Pasensya na kayo ha. Ok na ba sainyo itong explanation ko? Ok na po ba?:-) Sensha na talaga. Di kasi scripted yan. Binigla lang akong kunan ni Jayda 😃"

Photo courtesy: Screesnhot from Jayda Avanzado (FB)

Samantala, marami rin naman ang nagtanggol kay Jessa na wala naman ding masama kung naka-make-up habang gumagawa ng mga gawaing-bahay.