Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Oriental nitong Martes ng umaga, Mayo 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:18 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 199 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 13 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.